Linggo, Marso 19, 2017

Posisyong Papel (Trapiko)

        Trapiko ang isa sa pinakamalalang problema sa pagtira sa lungsod, lalo na kung usad-pagong na ang daloy ng trapiko na nagpapasikip sa mga kalsada at nagpaparumi sa hangin. Nakalulungkot, hindi nababawasan ang araw-araw na pahirap na ito na dinaranas ng milyun-milyung naninirahan sa lungsod.
        Ilang mga mamamayan ay nagbabangayan dahil sa sobrang trapik. Nagdudulot din ito ng aksidente dahil sa sobrang away na umaabot sa punto na nagkakasakitan. Nawawalan sila ng pasensya dahil sa init ng ulo. Ganito ang iniulat ng Texas Transportation Institute tugkol sa Estados Unidos: "Tumitindi ang pagsisikip ng trapiko sa lahat ng lugar sa mga lungsod, malaki man o maliit". Sinabi pa ng ulat na hindi talaga nakabuo ang mga awtoridad ng sapat na solusyong lulutas sa lumalaking pangangailangan ng mga nagbibiyahe sa lungsod. Ganiyan din ang situwason sa buong daigdig. Hindi mahirap malaman kung bakit nagsisikip ang mga kalsada sa lungsod. Patuloy ang pagdami ng mga tao, halos kalahati ng populasyon ng daigdig ngayon ay nakatira sa mga lungsod. Habang dumarami ang mga tao, dumarami rin ang mga sasakyan. Ganito ang komento ng isang manunulat: "Napakaraming tao ang may napakaraming kotse, at gusto nilang gamitin ito sa iisang masikip na lugar.
        Upang malutasan ang problemang ito, dapat magkaroon ng disiplina. Hulihin at ipatupad ang batas trapiko. Mga jeep, bus at taxi na pumapara kung saan nila nais ay dapat taasan ang multa para kahit lagay ay tataas ang magsisilbing panakot sa mga walang disiplinang driver. Ang mga tricycle at de-padyak na kahit sa malalaking lansangan ay bumibiyahe. Alisin ang mga ito.

Biyernes, Marso 3, 2017

Pagtatalumpati (Kahalagahan ng ating mga Magulang)

       Kung minsan ba ay naiisip nyo kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay? Alam ko na  hindi nyo kayang mabuhay ng walang kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila. Sa panahon ngayon maraming kabataan ang hindi na gumagalang sa kanilang magulang. Hindi na nila naisip kung gaano kapait ang naranasan nila noong tayo ay musmus pa lamang.

       May mga panahong napapaisip ako. Paano kaya kung lubos na mawala ang aking mahal na magulang ? Iniisip ko pa lang 'yun pero hindi ko na kaya. Mamimis ko talaga sila. Wala nang mag-aasikaso sa akin tuwing pupunta ako sa paaralan. Wala nang mag-aalaga at susuporta sa akin. Lalong-lalo nang wala nang magpapayo sa tuwing may problema ako. Diba ang hirap isipin kung wala nang gagawa sa atin ng ganitong bagay lalo na't nasanay tayo na ginagawa ito sa ating mga magulang.

       Kaya ngayon, dapat ipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal habang kapiling pa natin sila. Iparama din natin kung gaano sila kahalaga at magpapasalamat din tayo sa lahat ng mga nakabubuting ginawa nila sa atin. Ginawa nila ang lahat nang kanilang pagsisikap upang mapaganda ang ating kinabukasan. Humingi tayo nang tawad sa mga kasalanang nagawa. Kailangan natin silang suklian at paglingkuran nang sobrang pagmamahal. Sabihin natin sa kanila na "wala pong makapapantay sa pag-aalaga niyo at mahal na mahal ko po kayo nay at tay" at malaking pasasalamat ko dahil kayo ang aking naging mga magulang. Mabilis ang panahon kaya tayong may mga magulang pa, hangga't maaga at kapiling pa natin sila, gawin na natin ang lahat na ikasasaya nila.